pang-mayaman 'to

Thursday, November 02, 2006

Mag-aral ay 'di biro

Nasa proseso ako ngayon ng paghahanap ng course para sa aking masteral degree. Ang pakiramdam ko, para ulit akong nasa fourth year high school na naghahanap ng kurso sa kolehiyo, nagtatanong-tanong at pakunsukunsulta sa mga kaibigan at mga mas matanda. Itong Nobyembre ang inilaan ko sa paghanap ng pwede kong maging kurso, iikot sa mga unibersidad (kahit sa net lang) at titingin sa mga kurikulum.

Sa totoo lang, hindi ko pa matukoy kung saang larangan ko gustong magpakadalubhasa. Pero mas panatag ako ngayon. Noong mga nakaraang linggo, dumating ako sa puntong hindi ko na maisip kung nasaan ang passion ko, gusto ko pa rin ba ang development work? Ano na ba ang mga visions ko sa hinaharap? Sumasaya at umuunlad pa ba ako sa mga involvement ko sa kasalukuyan (women's sexual and reproductive health and rights, youth development work, pagkanta ng mga progresibong awit)? Identity crisis nga siguro yun -- hindi sigurado sa being at lalong hindi malinaw sa becoming.

Nakatulong nang malaki ang pagninilay-nilay ko ng ilang mga gabi (tinulungan na rin siguro ako ng God) at sa wakas narealize kong gusto ko pa rin ng community development, naniniwala pa rin ako sa empowerment, participation, social justice. Masayang-masaya ako, nareaffirm sa kin yung mga pinanghahawakan kong mga ideals. Kaya ko pa rin palang maarticulate ang mga pangarap ko, ang politika ko. At isa pang mahalaga, may balangkas ako kung pano ko bibigyang kahulugan ang buhay ko.

Isang parte ang naresolve ko pero hindi ko pa rin masabi anu-ano ang mga detalye. Saang sektor ko gustong mag-organisa? Anong kurso ang gusto kong aralin para mapahusay ko ang aking gawaing pagpapaunlad? Yan ang mga sasagutin ko sa mga susunod na mga araw.

Sabi ng karelasyon ko, baka itong puntong ito ang tinatawag na moratorium. Ito yong panahong nag-eexplore ka pero hindi ka pa nagcocommit. Tingin ko rin nga, mahalaga ito bago ko maabot yung identity achievement kung saan nagcommit ka na.

Mas positibo ako ngayon. At itutuloy ko ang pag-iinquire. Ipopost ko sa susunod ang proseso kung pano ko pipiliin ang kurso ko sa MA.

Wednesday, October 11, 2006

Sa Golden Pine Hotel sa Baguio City

Techie na yata 'ko

Nag-aattempt ako ngayon na i-explore ang technology na 'to. Nainggit kasi ako kay Paeng, magfefreindster na raw kasi siya. Next time na ko magpopost ng mga may lalim na mga sulatin. Bisi-bisihan kasi ako ngayon sa trabaho ko dito sa NGO. Chorva!